^

Pang Movies

Bea enjoy sa tarayan nila ni Maricar sa “Sana Bukas...”

Pang-masa

MANILA, Philippines - Aminado ang Movie Queen ng bagong henerasyon na si Bea Alonzo na natutuwa siya sa tuwing may maiinit na komprontasyon ang mga karaketr nila ni Maricar Reyes sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Sana Bukas pa ang Kahapon.

 “Nag-eenjoy kami lagi ni Maricar tuwing nag-aaway at nagtatarayan kami sa mga eksena namin bilang si Sasha at Rose,” pahayag ni Bea kamakailan nang mag-renew siya ng kanyang two-year contract sa Kapamilya network.

“Nakakatuwang gawin ‘yung away scenes dahil sa totoong buhay hindi namin ‘yun ginagawa. Challenge para sa amin na gawing kapani-paniwala sa viewers ‘yung tarayan at sagutan namin,” ani Bea kaugnay ng kanilang roles na mainit na pinag-uusapan maging sa social networking sites. 

Taliwas sa alitan ng kanilang mga karakter sa Sana Bukas Pa ang Kahapon, sinabi ni Bea na maayos ang samahan nila off-cam ni Maricar at ng kanyang lea­ding man na si Paulo Avelino na gumaganap sa kwento bilang si Patrick, ang lalaking kapwa mahal nina Rose at Sasha. Aniya, “Lagi kaming nagtatawanan nina Maricar at Paulo sa set. Dahil sa soap na ito, mas naging close kami sa isa’t isa.”

Sa ilalim ng Dreamscape Entertainment Television, ang Sana Bukas pa ang Kahapon ay kwento ng dalawang magkaibang babae na naghahangad na makamit ang hustisya. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan.

Huwag palampasin ang mga makapigil-hiningang eksena sa Sana Bukas pa ang Kahapon gabi-gabi pagkatapos ng Ikaw Lamang sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Sana Bukas pa ang Kahapon, bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/SBPAK.TV, Twitter.com/SBPAK_TV, at Instagram.com/DreamscapepH.

 

vuukle comment

BEA

BEA ALONZO

DREAMSCAPE ENTERTAINMENT TELEVISION

IKAW LAMANG

JEROME POBOCAN

KAHAPON

MARICAR

MARICAR REYES

SANA BUKAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with