^

Pang Movies

Kaloka! Movie exec. walang alam sa tunay na katauhan ng kapatid

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakakatawa ang kuwento ng friend namin na hindi pala alam ng isang movie executive kung ano ang gender ng kanyang kapatid. May mga nakarating daw na balita sa executive tungkol sa kung ano talaga ang kapatid niya, kaya tinanong niya ang isang office employee niya kung totoo raw ang balita. Siyempre pa, sasagutin ba naman ng empleyado ang boss niya na beki o tomboy ang kapatid niya, umiwas na raw lamang ito at sinabing: “hindi ko po alam.”  Ano raw ba iyon, ang tagal-tagal nang kasama ng executive ang kapatid sa bahay nila, hindi pa niya alam kung ano ang tunay na gender nito?

Para ‘di magreklamo ang mga unang nakapanuod Repeat ng Arise concert ni Gary V walang binago

Kung ano ang napanood ng mga tao sa napaka-successful na Arise: Gary V 3.0 to celebrate his 30th anniversary in the industry last April, iyon din ang mapapanood sa repeat ng Arise: Gary V 3.0 na magiging celebration na rin ng kanyang golden birthday sa August 6. Wala raw silang binago sa content ng show sa April 2 sa SM Mall of Asia Arena (MOA). Ayaw daw nilang masabi ng mga nakapanood noong April na sana ngayon na lamang sila manonood dahil iba pala ang ipakikita nila.

“The same pa rin ang mapapanood nila sa one night show namin sa August 2,” say ni Gary Valenciano sa presscon na ginanap sa 38 Valencia events place ni Mother Lily Monteverde.  “We’re hoping sana maging two nights ito muli, pero wala nang maibigay na schedule sa amin ang MOA. But the lights, the set, mas malaki ngayon dahil malaki ang stage. Paolo (Valenciano) will still co-direct the show at siya ang in-charge sa lights tulad nang nakita ninyo noon. Guests     sina Iya Villania, Rico Blanco, Sam Concepcion, The Manoeuvres, our Super-Selfie King Gab (Valenciano), and our daughter Kiana who is a Philpop 2014 finalist. For the special guest, may kinakausap pa kami na matagal ko nang hindi nakakasama, at saka ko na lamang sasabihin kung sino kapag pumayag na siya.”

May nagtanong kung bakit hindi pagsamahing guests sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, or Martin Nievera? If narito raw si Martin sa August 2, siguro raw ay makiki-jamming ito dahil birthday naman niya.

Ang hindi raw mawawala sa repertoire ni Gary ay ang most requested song niyang Sana Maulit Muli dahil hindi raw kumpleto ang anumang concert niya kung hindi niya iyon kakantahin.  Ang tatlo pa ay ang I Will Be Here, How Did You Know, at The Warrior is a Child.  Bago natapos ang presscon, ni-request ng isa sa best friend/mother niya, si Mother Lily, na kantahin niya ang Sana Maulit Muli.

Alessandra sinampal ni Marya!

Gabi-gabi ay pinag-uusapan at nagti-trending sa Twitter na controversial soap na Ang Dalawang Mrs. Real nina Maricel Soriano, Lovi Poe, at Ding­dong Dantes. Marami nang naghihintay ng sampalan blues sa confrontation scene nina Maricel at Lovi kapag nagtagpo ang dalawang Mrs. Real.  Pero si Sandy (Alessandra de Rossi) pala ang unang makakatikim ng bigat ng palad ni Marya. Buong pagmamalaki namang ipinost ito ni Alex sa kanyang Instagram account. Napapanood ang drama series gabi-gabi, pagkatapos ng My Destiny sa GMA 7.

vuukle comment

GARY V

KUNG

MRS. REAL

NIYA

RAW

SANA MAULIT MULI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with