^

Pang Movies

Claudine maaliwalas na ang aura nang magpaigsi ng buhok, parang walang pinagdadaanan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Bagay kay Claudine Barretto ang short hair, kahit tumaba ang kanyang hitsura. Naging maaliwalas ang mukha at aura ng controversial actress. Hindi mahahalata na may pinagdaraanan siya na mga problema.

May kasabihan na nagpapalit ng hairstyle o nagpapagupit ng buhok ang mga babae kapag nagkakaroon sila ng problema sa kanilang love life. Naging totoo para kay Claudine ang matandang paniniwala dahil pinaigsian niya ang buhok na mahaba sa panahon na may malaking problema sa pagsasama nila ni Raymart Santiago na hindi na mapipigilan na humantong sa permanenteng hiwalayan, base  sa kanilang mga media statement.

Freddie Aguilar kinaiinggitan ng ibang senior citizen

Nakakatawa ang picture ni Freddie Aguilar na nakalagay sa Instagram account ni Edu Manzano at may caption na “haba ng hair.”

 Literal na mahaba ang hair ni Papa Freddie mula nang sumali siya sa isang pop music festival noong dekada 70 pero may double meaning ang photo caption ni Papa Edu.

Mahaba ang hair ni Papa Freddie dahil sa edad na 60, nakabingwit pa siya ng disi-sais anyos na girlfriend.

Hindi ipinapakita sa TV ang face ng bagets bilang menor de edad pa. Medyo mature ang hitsura ng bagets kaya sa unang tingin, hindi mo iisipin na dalagitang-dalagita pa siya. Malaking bulas ang bata na in love na in love kay Papa Freddie at willing na pakasalan ang legendary folk singer. Kinaiinggitan si Papa Freddie ng ibang mga senior citizen na nangangarap din na maka-getlak ng menor de edad na dyowa.

Julie Anne napagkamalang Superman

Napagkamalan na si Superman si Julie Anne San Jose sa duet nila kahapon ni Kristoffer Martin sa Eat Bulaga dahil sa red cape na nakakabit sa kanyang red short dress.

May nabaduyan sa outfit ni Julie Anne pero nagustuhan ito ng kanyang fans. Parang superhero raw ang kanilang idolo dahil nililipad-lipad ng hangin ang red cape habang kumakanta sila ng leading man niya sa Kahit Nasaan Ka Man.

 

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

EAT BULAGA

EDU MANZANO

FREDDIE AGUILAR

JULIE ANNE

JULIE ANNE SAN JOSE

KAHIT NASAAN KA MAN

KRISTOFFER MARTIN

PAPA EDU

PAPA FREDDIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with