^

Pang Movies

John Lloyd yumabang na?!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi naman kami na naniniwala na sinadya ni John Lloyd Cruz na hindi siputin ang press conference ng kanyang pelikulang 24/7 In Love. Ang totoo, may iba palang assignment sa kanya noong araw na iyon. After all, ang feeling nila wala naman kasing immediate need para siya humarap sa press dahil noong mga nakaraang araw ay sunud-sunod naman ang presscon niya.

Pero kung minsan alam naman ninyo ang mga tao, mayabang na raw si JL, ayaw sumama sa presscon na iyon dahil ang dami nga nila. May tsismis na sinasabi pa nga na ayon daw kay JL, kung ii-schedule siya, huwag naman ’yung ganoon.

Pero kagaya nga ng sinabi namin sa simula pa lang, hindi kami naniniwala sa mga ganyang tsismis. Kilala naman nating lahat si John Lloyd kahit na noong child actor pa lamang siya. Kung noon nga hindi nagkaroon iyon ng problema eh, ngayon pa?

Ang sinasabi niya, basta sa kanya trabaho lang. Kung ano ang ibigay sa kanyang assignment kung may kaunti pang diperensiya hindi na niya pinapansin. Basta sa kanya ang mahalaga nga ay trabaho at kumita siya.

Para sa kanya ang showbusiness ay isang career. Trabaho lang na kailangang pagkakitaan. Kailangang magsikap para kumita ka ng maayos.  Talagang makikita mo kung paano niya pinagbubuti ang kanyang trabaho. At kung pag-aaralan mo ngang mabuti ang takbo ng kanyang career, siya ang dapat na tinatawag na box-office king kasi consistent ang kanyang mga pelikula na kumikita, at sa mga pelikulang iyon, masasabi ngang siya ang bumabatak talaga.

Pero napaka-humble ngang bata, wala siyang pakialam sa maraming magagandang bagay at papuring sinasabi sa kanya.

Career ni Piolo delikado ang lagay, kailangan si Juday

Kung inaakala ninyo na magkakatambal na muli sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual in the near future, mali kayo, dahil sinabi na ni Juday hindi sila gagawa ng anumang project sa taong ito. Hindi pa rin sa susunod na taon. Pero sabi nga nila, ngayon kailangan ni Piolo si Juday dahil baka two years from now wala na ring career ang aktor. Hindi mo masasabi ang takbo ng mga pangyayari.

Iyon nga lang word war ni Sharon Cuneta at ang kanyang fans ay kung anu-ano na ang luma­labas at kung tototohanin nga ng Megastar na sasabihin na niya ang tunay na dahilan ng breakup nila ni KC Concepcion, aba eh, matindi iyon. Wasak si Piolo doon.

vuukle comment

IN LOVE

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

KUNG

PERO

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with