NSAs hihingan ng report ng PSC
MANILA, Philippines — Hihingan ng Philippine Sports Commission (PSC) ng report ang mga National Sports Associations (NSAs) na hindi nakakolekta ng medalya sa nakaraang 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Ayon kay PSC chairman Patrick ‘Pato’ Gregorio, gusto lamang nilang tulungan ang mga NSAs sa kanilang programa at hindi para manita ng performance nila sa Aichi-Nagoya Asiad.
“For PSC to help them, para po makatulong kami sa mga sports na hindi nagmedalya kailangan bigyan nila kami ng assessment kung paano kami makakatulong,” wika ni Gregorio sa PSC Hour program.
“Hindi naman kami humihingi ng report para manita, kami po ay hihingi ng report, isa-submit po nila sa mga Commissioners para mapag-aralan how we can improve and develop their sport,” dagdag nito.
Tumapos ang Team Philippines sa No. 17 sa hanay ng 46 bansang lumahok sa Aichi-Nagoya Asiad.
Kumolekta ang bansa ng kabuuang apat na gold, siyam na silver at 16 bronze medals.
Ang isa sa mga tansong medalya ay nagmula kay national archer Amaya Cojuangco.
“Tignan n’yo po iyong archery. Matagal na nila akong kinausap kung paano nila ide-develop iyong sport. No.1 action nila is Korean Olympic coaches. Ayan na po nagbunga na po,” sabi ni Gregorio.
- Latest





















