^

PSN Palaro

Sotto mainit sa Japan Basketball League

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sotto mainit sa Japan Basketball League
Kai Sotto
FIBA

MANILA, Philippines — Muling umarangkada si Kai Sotto matapos maglatag ng matikas na double-double performance para banderahan ang Altiri Chiba sa 97-90 panalo kontra sa Osaka Evessa sa Japan B.League sa Chibagi Arena, Japan.

Nagrehistro ang 7-foot-3 Pinoy cager ng agresibong 18 puntos at 12 rebounds kasama ang limang assists para banderahan ang ratsada ng Chiba.

Sariwa pa ang Chiba sa dalawang sunod na kabiguan kaya’t magandang resbak ang panalong ito upang umangat ang kanilang tropa sa 2-4 marka.

Lumasap naman ng ikalimang sunod na pagkatalo ang Osaka na nalaglag sa 1-5 kartada.

Nakatuwang ng Gilas Pilipinas slotman si Seiya Ando na naglista ng 18 puntos kabilang ang apat na three-pointers.

Nagpasiklab din ang isa pang import ng Chiba na si DJ Newbill na may 19 puntos, anim na rebounds at anim na assists habang nagdagdag si Dereck Pardon ng 16 puntos, 11 rebounds at tatlong assists.

Nanguna naman para sa Osaka si James Palmer na may 25  puntos at anim na assists.

May 67.7 efficiency ra­ting si Sotto kung saan hawak nito ang averages na 12.0 points, 11.3 rebounds at 4.8 assists.

Inaasahang magbabalik sa bansa si Sotto sa Nobyembre para makasama ang Gilas Pilipinas sa paghahanda nito para sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na lalaruin naman sa Malaysia.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with