^

PSN Palaro

‘Big 3’ ng Capital1 ready na sa PVL AFC

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Ready nang humataw ang ‘Big Three’ ng Capital1 Solar Energy sa parating na 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Isasalang ng Solar Spikers sina power hitters Bella Belen, Vanie Gandler at Erika Santos bukod sa mga bagong dagdag na sina setter Juju Coronel at Pauline Gaston.

“May mga skillful pla­yers talaga na nadagdag sa team namin na puwe­deng makatulong sa campaign,” ani Belen kina Gandler at Santos na kamador ng Cignal Super Spikers.

Idinagdag din ni Bra­zilian coach Jorge Souza de Brito sa koponan sina Rachel Jorvina at Mayang Nuique.

“Sabi lang talaga namin is kailangan huwag namin madaliin iyong proseso, kumbaga kasi iyon nga bago eh, hindi pa kami ganoon masyadong nakakapag-training ng matagal. Siyempre, kailangan sa volleyball is iyong chemistry,” ani Belen, ang 2026 PVL Rookie of the Year at Best Outside Spiker awardee.

Makakasama rin ni Belen ang kanyang best friend na si rookie setter Detdet Pepito.

Sa pagbubukas ng PVL All-Filipino Confe­rence sa Sabado ay lalabanan ng Capital1 ang Choco Mucho sa ala-1 ng hapon kasunod ang banatan ng Creamline at Akari sa alas-6 ng gabi sa SM Seaside Cebu Arena.

Sa bagong All-Filipino Conference format ay hahatiin ang PVL season sa tatlong serye: Siklab, Sigla at Sinag.

Ang bawat serye ay may sariling champion, habang ang standings points mula sa unang dalawang serye ay magiging mahalaga para sa Philippine Grand Championship.

PVL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with