^

PSN Palaro

Pinay boxer Nesthy Petecio silver medalist sa Olympics

James Relativo - Philstar.com
Pinay boxer Nesthy Petecio silver medalist sa Olympics
Philippines' Nesthy Petecio (red) and Japan's Sena Irie fight during their women's feather (54-57kg) boxing final bout during the Tokyo 2020 Olympic Games at the Kokugikan Arena in Tokyo on August 3, 2021.
AFP/Pool/Luis Robayo

MANILA, Philippines — Iuuwi ng Filipina boxer na si Nesthy Petecio ang pilak sa 2020 Tokyo Olympics matapos matapos makaharap ang home fighter mula sa Japan.

Bigong madaig ni Petecio ang Haponesang si Sena Irie sa women's feather (54-57kg) boxing final bout, matapos ang unanimous decision ngayong Martes.

Bagama't pumabor kay Irie ang lahat ng limang hurado sa unang round (5-0), panalo si Nesthy sa ikalawang round (4-1).

Tatlong hurado ang dapat pumanig kay Petecio para masungkit ang ginto sa ikatlo para sa gintong medalya, bagay na bigo niyang magawa.

"Mabuhay ka Nesthy! We are proud of you!" parangal sa kanya ng Philippine Sports Commission sa isang pahayag ngayong hapon.

Ipinaabot naman na rin ni presidential spokesperson Harry Roque ang pagkilala ng Malacañang ngayong namamayagpag na rin sa boksing ang mga Pinay sa antas ng Olympics.

"We congratulate Nesthy, she made us very proud. As usual, ang kwento po ni Nesthy ay kwento ng sambayanang Pilipino," ani Roque sa isang media briefing kanina.

"Tagumpay po ang silver medal ha? 'Wag po nating kakalimutan. At dahil bata pa naman si Nesthy, meron pang susunod na Olympics para makakuha ng ginto. Pero as it is, we are very proud as a nation."

Ang women's featherweight result na ito ang ikalawang opisyal na medal win ng Pilipinas, matapos maiuwi ni Hidilyn Diaz ang gintong medalya sa weightlifting.

Sa kabila nito, tiyak na rin ang medalya para sa dalawa pang boksingerong Pinoy, kasama na si Carlo Paalam na haharap din sa Hapon na si Ryomei Tanaka sa semifinal set sa Huwebes. — may mga ulat nula kay Luisa Morales

vuukle comment

2020 TOKYO OLYMPICS

BOXING

NESTHY PETECIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with