^

PSN Palaro

Go For Gold Tumabla

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Go For Gold Tumabla
Halimaw si Gab Banal makaraang humakot ito ng 33 puntos mula sa impresibong 11-of-14 shooting clip kasama ang anim na rebounds at apat na assists habang nakalikom naman si Chris Porter ng 16 mar­kers, anim na boards at isang assists para manduhan ang opensa ng Scratchers.

Laro Bukas (Ynares Pasig)

5pm Go For Gold vs Che’Lu

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Go For Gold na walang meltdown sa pagkakataong ito nang iselyo ang agresibong 105-81 panalo laban sa Che’Lu Bar and Grill upang makabalik sa porma sa 2018 PBA D-League Foundation Cup best-of-five championship series kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Halimaw si Gab Banal makaraang humakot ito ng 33 puntos mula sa impresibong 11-of-14 shooting clip kasama ang anim na rebounds at apat na assists habang nakalikom naman si Chris Porter ng 16 mar­kers, anim na boards at isang assists para manduhan ang opensa ng Scratchers.

Naasahan din ng Go For Gold sina Ron Dennison na naglista ng 12 points at Paul Desiderio na nagdagdag naman ng 10 markers.

Naitabla ng S­cratchers ang serye matapos makauna ang Revellers sa Game 1 noong nakaraang linggo sa bisa ng 100-96 come-from-behind win.

Pinamunuan ni Jayson Melano ang Revellers ta­ngan ang 17 puntos habang nalimitahan sa 13 puntos si Jeff Viernes bunsod ng maasim na 5-of-14 field goal shooting.

Naging matibay na armas ng Scratchers ang third quarter assault nito kung saan pinakawalan ang 28-20 bomba para makuha ang 73-58 kalamangan bago pumasok sa huling kanto.

Mula rito ay hindi na lumingon pa ang Scratchers  para makuha ang panalo.

Dominado ng Che’Lu ang rebounding (48-38) at lumamang ito ng bahagya sa steals (10-8).

Subalit mas mataas ang shooting percentage ng Scratchers kumpara sa Revellers – 53-36 sa field goal, 55-51 sa two-point area, 51-14 sa three-point territory at 73-72 sa free throw line.

 

vuukle comment

2018 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with