^

PSN Palaro

Knights may misyon sa Blazers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Masolo ang No. 3 spot ang hahangarin ng Colegio de San Juan de Letran sa oras na papasukin nito ang College of Saint Benilde sa kanilang teritoryo ngayong hapon sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa Letran Gym sa Intramuros, Manila.

Aariba ang bakbakan ng Knights at Blazers sa alas-4 habang maghaharap din ang Letran at La Salle Greenhills sa juniors division sa alas-2.

Galing ang Letran sa 74-58 demolisyon kontra sa Jose Rizal University sa likod ng impresibong laro nina Larry Muyang at Chris Fajarito na parehong kumana ng 14 puntos.

Ang panalo ang nagdala sa Letran sa ikatlong puwesto kasalo ang University of Perpetual Help System Dalta bitbit ang magkatulad na 2-1 marka.

Nasa ilalim ang Knights at Altas ng nangungunang Lyceum of the Philippines (5-0) at nagdedepensang San Beda University (3-0).

Lamang na lamang ang Knights sa tangkad dahilan upang malimitahan ang kanilang mga karibal sa a­verage na 70.67 points kada laro--ikalawang pinakamagandang performance sa likod ng Red Lions na may league-best 60 points kada laro.

“We hope to continue to take advantage of our size the way we did in our past games,” wika ni Letran coach Jeff Napa. (CCo)

vuukle comment

COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN

COLLEGE OF SAINT BENILDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with