^

PSN Palaro

Folayang babawiin ang korona vs Russian

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Asam ni Eduard Folayang na agawin muli ang lightweight crown sa kanyang pakikipagsagupa sa wala pang talong si Kharun Atlangeriev ng Russia sa undercard ng One: Unstoppable Dreams ngayong Biyernes sa Singapore Indoor Stadium.

Nakuha ng 33-anyos na si Folayang ang titulo sa lightweight division sa pamamagitan ng pagpapatumba kay Shinya Aoki ng Japan sa One 49: Defending Honor sa Singapore mahigit dalawang taon na ang nakaraan.

Ngunit, sa sumunod na taon ay natalo siya kay Martin Nguyen ng Australia sa second round knockout punch sa One 65: Legends of the World na ginanap sa Manila mismo.

Kaya ngayon hangad ni Folayang na bawiin muli ang titulo. Sa ngayon si Folayang ay mayroong 18-6 win-loss record.

 “I hope to win this fight and help me get back on track,” sabi ni Folayang.

Ang 25-anyos na si  Atlangeriev ay mabigat na kalaban at sa katunayan  itataya ng taga-Dagestan, Russia ang kanyang malinis na 11 win record sa ONE championship para makakuha ng pagkakataon na lumaban sa 77.1-kilogram weight class laban kay Nguyen.

Ito pa lang ang unang pagkakataon na makakaharap ni Atlangeriev ang Filipino star sa One Championship cage kaya excited na ang Russian fighter sa laban.

vuukle comment

EDUARD FOLAYAN

KHARUN ATLANGERIEV

SINGAPORE INDOOR STADIUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with