^

PSN Palaro

Alab vs Mono Vampire sa ABL Finals

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Linggo (Abril 22) (Sta. Rosa Multi-Purpose Complex, Sta. Rosa, Laguna)

8 p.m.  Alab Pilipinas  vs   Mono Vampire Thailand   

MANILA, Philippines —  Tiyak ang mainit na laban sa paghaharap ng San Miguel-Alab Pilipinas at Mono Vampire Thailand sa best-of-five championship series ng 8th ASEAN Basketball League simula sa Linggo sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

Nakuha ng tropa ni head coach Jimmy Alapag ang 3-2 bentahe sa home and away finals series bunga ng kanilang third place finish sa pagtatapos ng elimination round habang pang-apat lamang ang Mono Vampire sa parehong 14-6 win-loss kartada.

Sa format ng ABL, ang unang dalawang sunod na laro ay gaganapin dito sa Pilipinas at ang susunod na dalawa ay gagawin sa Stadium 29 sa Bangkok, Thailand. Kung kinakailangan, ang deciding fifth game ay mangyayari sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex sa Mayo 2.

Winalis ng Mono Vampire ang best-of-three semifinal series kontra sa top seed Chong Son Kungfu China, 2-0 para angkinin ang ikalawang finals berth habang ang Filipino team ay nagwagi rin sa parehong 2-0 sweep laban sa nagdepensang Hong Kong Eastern Lions sa ibang semis match.

vuukle comment

8TH ASEAN BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with