^

PSN Palaro

Austria sisimulan na ang pagpapalakas sa Beermen

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Huling nagkasama-sama ang San Miguel noong Mayo 1 matapos sibakin ng nagkampeong Rain or Shine sa nakaraang 2016 PBA Commisioner’s Cup.

Ngayong araw ay inaasahang magkikita ang mga Beermen at si head coach Leo Austria para sa pagsisimula ng kanilang paghahanda sa darating na 2016 PBA Governor’s Cup sa Hulyo 16.

Muling makakasama ng San Miguel si import Arizona Reid, dumating sa bansa noong Biyernes, para sa kanilang pagdedepensa ng korona ng season-ending conference.

Ngunit hindi pa rin makukumpleto ang Beermen sa unang araw ng kanilang team practice dahil wala sina June Mar Fajardo, Chris Ross, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter.

Ang back-to-back PBA Most Valuable Player na si Fajardo at si Lassiter ay kasalukuyang abala sa pakikipag-ensayo sa Gilas Pilipinas ni mentor Tab Baldwin.

Nakatakdang sumabak ang Nationals sa darating na 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament, ang pinakahuling qualifying meet para sa Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil, sa Hulyo 5-10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ipapatingin naman ni Ross ang kanyang wrist injury bukas, habang nasa US si Cabagnot para sa kasal ng kanyang step brother.

Pinatalsik ng Painters ang Beermen sa Game Four ng kanilang best-of-five series noong Labor Day at ngayon pa lamang muling magkikita-kita.

vuukle comment

FRIENDS FOR CULTURAL CONCERNS OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with