^

PSN Palaro

IWF nilalakad na mapasama sa 2022 Winter Olympic Games ang wushu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinusulong ng International Wushu Federation (IWF) na mapasama ang wushu sa mga lalaruin sa 2022 Winter Olympic Games na gaganapin sa Beijing, China.

Ayon kay Wushu Federation of  the Philippines president Julian Camacho, tiwala si IWF president Yu Zahi Qing na mapapasama ito sa mga opisyal na lalaruin sa Beijing Winter Games.

At kung matutuloy ito, isa ang Pilipinas sa mga maki­kinabang dahil tunay na malakas ang Pinoy fighters sa naturang sport.

Nauna nang itinulak ng IWF na mapabilang ang wushu sa 2016 Summer Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil at 2020 Tokyo Olympics sa Japan subalit hindi ito nakakuha ng sapat na boto upang makalusot.

Karaniwan nang humahakot ng gintong medalya ang wushu sa mga international tournaments na sinasalihan nito.

Magugunitang noong 2005 Manila SEAG, ang wushu ang itinanghal na National Sports Association of the Year matapos pamunuan ang Pambansang koponan na makuha ang overall championship title.

Kumana ang Pilipinas ng kabuuang 112 gintong medalya kung saan 11 dito ay galing sa wushu.

Noong nakaraang taon, nagbulsa ang wushu team ng dalawang ginto sa prestihiyosong World Wushu Championships na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Nang laruin bilang exhibition sport ang wushu noong 2008 Olympic Games sa Beijing, China, naka- ginto si Wally Wang.

vuukle comment

ANG

BEIJING

BEIJING WINTER GAMES

INTERNATIONAL WUSHU FEDERATION

JULIAN CAMACHO

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION OF THE YEAR

OLYMPIC GAMES

PILIPINAS

SUMMER OLYMPIC GAMES

TOKYO OLYMPICS

WUSHU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with