^

PSN Palaro

Lakers nakawala na sa kamalasan

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES--Nahulog ang mga purple at gold streamers mula sa kisame at nagdiwang ang mga fans.

Sa wakas ay nailista ng Lakers ang kanilang unang panalo matapos ang 0-5 panimula sa season.

“I know the city probably feels good about it,” sabi ni Byron Scott, natikman ang kanyang unang tagumpay bilang Lakers coach, matapos talunin ang Charlotte Hornets, 107-92.

Itinuloy ang nasabing party sa locker room ng Lakers.

Umiskor sina Kobe Bryant at Jeremy Lin ng tig-21 points, habang nagdagdag si Carlos Boozer ng 16.

Sa Dallas, umiskor si Luol Deng ng season-high 30 points, habang nagdagdag sina Chris Bosh at Dwyane Wade ng tig-20 markers para pagbidahan ang Miami Heat 105-96 panalo laban sa Mavericks na hindi pa nananalo sa kanila sapul noong 2011 NBA Finals.

Ito ang pang-pitong sunod na panalo ng Heat kontra sa Mavericks sa regular season.

Sa Toronto, tumipa si DeMar DeRozan ng 24 points, habang may 17 si Terrence Ross para igiya ang Raptors sa 120-88 paggiba sa Philadelphia 76ers.

 

vuukle comment

BYRON SCOTT

CARLOS BOOZER

CHARLOTTE HORNETS

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

JEREMY LIN

KOBE BRYANT

LUOL DENG

MIAMI HEAT

SA DALLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with