^

PSN Palaro

Easy lang

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nagbabala si Manny Pacquiao sa mga Kia players niya sa PBA.

Huwag kayong papasok sa away.

Bagamat sa tingin niya ay hindi sa Kia nagsimula ang away ay tila hindi nagustuhan ng ating Pambansang Kamao ang nangyari sa game nila kontra Global- port nung nakaraang Martes.

Nagpambuno sa sahig si Chad Alonzo ng Kia at Anthony Semerad ng Globalport sa katapusan ng first quarter. Nagbigwasan ang dalawang players habang inaawat sila ng mga referees.

Bago matapos ang laro, muntik naman magsalpukan sina Riel Cervantes at Jewel Ponferrada. Mainit ang action at sa dulo nanaig ang Globalport.

Nasa kasagsagan ng training si Pacquiao sa Ge­ne­ral Santos City para sa nalalapit niyang laban kay Chris Algieri sa Macau.

Pero siguradong napanood ni Pacquiao ang ka­nilang PBA game sa TV.

“Ang bilin ko sa kanila ay huwag silang mang-away,” sabi ni Pacquiao sa isang panayam ng GMA News.

“Huwag silang uminit,” dagdag pa niya.

Sanay sa bugbugan si Pacquiao. Nakikipag-basa­gan ng mukha sa loob ng ring.

Pero hindi ibig sabihin nito ay dapat siyang tularan ng kanyang players sa Kia.

Basketball ang laro nila at hindi boxing.

Sa darating na Nov. 23, ang gusto yata ni Pacquiao ay mapanood ng kanyang Kia players ang laban niya kay Algieri sa Venetian Hotel.

Ewan ko lang kung eksakto sa timing ang laban niya para makalipad ang mga players niya papunta sa Macau at makauwi ng mabilis sa Maynila.

Pero gusto nga niya siguro na mapanood siya ng mga players niya.

Huwag nga lang para gayahin.

vuukle comment

ANTHONY SEMERAD

CHAD ALONZO

CHRIS ALGIERI

GLOBALPORT

HUWAG

KIA

NIYA

PACQUIAO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with