^

PSN Palaro

2014 World Pool team championship Pilipinas sinargo ang USA, pasok sa knockout stage

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinuhog pa ng Pilipinas ang USA, 4-2, para sa ikalawang sunod na panalo sa Group A sa ginaganap na  2014 World Pool Team Championship sa Tongzhou Luhe High School sa Beijing, China.

Walang naging problema sa ipinakitang laro nina Dennis Orcollo, Lee Van Corteza, Carlo Biado at Rubilen Amit para palasapin ng ikalawang sunod na kabiguan ang Americans na binuo nina Oscar Dominguez, Hunter Lombardo, Corey Deuel at Jennifer Barretta.

Naunang tinalo ang Bulgaria (5-1) sa pagbubukas ng torneo na nilalahukan ng 24 bansa, ang Pilipinas ay nakatiyak na ng puwesto sa knockout stage.

Huling laro ng Pambansang koponan ang Poland na binubuo nina Karol Skowerski, Tomasz Kaplan, Mateusz Sniegocki at Katazyna Weslowska para madetermina kung  sino ang mangunguna sa nasabing pangkat.

May 2-0 karta rin ang Poland na unang tinalo ang US (4-2) bago pinataob ang Bulgaria, 6-0.

Ang 25 koponan (dalawa mula sa host China), ay hinati sa anim na grupo at ang mangungunang dalawang teams ay pasok na sa Last 16.

Ang nalalabing 13 koponan ay lalagyan ng rankings base sa kanilang ipinakita at ang mangungunang apat ang kukumpleto sa maglalaro sa knockout stage. (AT)

vuukle comment

CARLO BIADO

COREY DEUEL

DENNIS ORCOLLO

GROUP A

HUNTER LOMBARDO

JENNIFER BARRETTA

KAROL SKOWERSKI

KATAZYNA WESLOWSKA

LEE VAN CORTEZA

MATEUSZ SNIEGOCKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with