^

PSN Palaro

Heavy bombers wagi sa Blazers generals sumuko sa Chiefs

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May double-double output uli si Dioncee Holts at pinigil nito ang katapat na  si Noube Happi sa huling yugto para manaig ang Arellano Chiefs sa Emilio Aguinaldo College Gene­rals, 80-73, sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 15 puntos at 10 rebounds ang baguhang si Holts pero ang pinakamahalagang ambag niya ay ang paglimita niya kay  Happi sa dalawang puntos sa huling yugto.

Ang pagkaposas sa 6’8 Cameroonian center ay naramdaman ng Generals nang hindi na sila nakapuntos matapos lumapit sa 77-73 sa 3-pointer ni Jan Jamon sa huling 1:25 sa labanan.

Si Levi Hernandez ay mayroong 20 puntos habang ang isa pang beteranong guard na si John Pinto ay naghatid ng 11 puntos bukod pa sa anim na assists at limang rebounds.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng koponan ni rookie coach Jerry Codiñera para samahan ang four-time defending champion San Beda at Perpetual Help sa liderato.

“Malaking bagay ang depensa namin kay Happi,” wika ni Codiñera na naunang nagwagi sa Lyceum, 93-80.

Lumayo ng hanggang 14 puntos ang Chiefs sa pagbubukas ng huling yugto, 69-55, pero ilang technical free throws at dalawang tres ni Jamon ang nagba­ngon sa Ge­neral. Naubusan din sila sa huli para sa 1-1 karta.

Tinapos ng host Jose Rizal University Heavy Bombers ang dalawang sunod na kabiguan sa 69-61 pananaig sa St.Benilde sa ikalawang laro.

 

vuukle comment

ARELLANO CHIEFS

DIONCEE HOLTS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENE

HAPPI

JAN JAMON

JERRY CODI

JOHN PINTO

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with