Casimero si Estrada ang nais na isunod
CEBU CITY , Philippines --Deklarado nang bakante ang InterÂnatioÂnal Boxing Federation (IBF) light flyweight belt.
Ito ay matapos pabagsakin ng dating kampeong si John Riel Casimero si Colombian Mauricio Fuentes noong Sabado ng gabi sa Waterfront Hotel.
Sa kanyang laban kay Fuentes ay tatlong beses pinatumba ni Casimero ang Colombian visitor patungo sa kanyang KO victory.
Nagwakas ang laban sa 2:59 sa opening round.
Dahil sa tagumpay ni Casimero ay idineklarang baÂkante ang IBF title.
Nauna nang tinanggal kay Casimero ang kanyang IBF crown nang mabigong makapasa sa weight limit sa isinagawang weigh-in noong Biyernes.
Sinabi ni Casimero na pinilit niyang makuha ang weight limit na 108 pounds, ngunit sa weigh in ay hindi pa rin niya ito naipasa.
“Nagsikap naman ako talaga pero hindi na kaya ng katawan ko ang 108,†sabi ni Casimero.
Sa kanyang pag-akyat sa flyweight division ay gusto ni Casimero na hamunin ang naghaharing si Juan Francisco Estrada ng Mexico.
“Gusto ko Estrada na para magka-alaman,†wika ng 24-anyos na Filipino boxer noong Sabado ng gabi.
- Latest