^

PSN Palaro

Blazers pasok sa semis; Mavs, Nets dumiga ng Game 7

Pilipino Star Ngayon

PORTLAND, Ore. - Sa unang pagkakataon ma­tapos ang 14 taon ay mag­lalaro ang Trail Blazers sa se­mifinal round ng Western Conference.

Ito ay matapos ikonekta ni Damian Lillard ang isang 3-pointer bago tumunog ang final buzzer para ilusot ang Portland Trail Blazers kontra sa Houston Rockets, 99-98, sa Game 6 at tapusin ang kanilang first-round series sa 4-2.

Nasa kanilang unang play­off appearance matapos noong 2011, anim na be­ses napatalsik ang Portland sa first round .

Ito ang unang pagkaka­taon na umabante ang Bla­zers sa second round sa­pul noong 2000.

Nagsalpak si Dwight Ho­ward ng apat na sunod na free throws para itabla ang laro sa 91-91 kasunod ang kanyang bank shot na nag-angat sa Houston sa 93-91 sa huling 3:04 minuto sa fourth quarter.

Tumipa si Robin Lopez ng isang tip shot para ibigay sa Blazers ang 94-93 bentahe sa 2:15 minuto.

Ang layup at foul shot ni Howard ang nagtaas sa Rockets sa 96-94 kasunod ang fadeway jumper ni Nicolas Batum sa nagtabla sa Bla­zers sa 96-96 sa huling 39.9 segundo.

Umiskor si Chandler Par­sons ng isang reverse lay­up sa natitirang 0.9 se­gun­do para muling ibigay sa Houston ang unahan, 98-96.

Kasunod nito ang ay ang tres ni Lillard para sa Port­land sa pagtunog ng fi­nal buzzer.

Umiskor si Lillard na may 25 points, habang humakot si Marcus Aldridge ng 30 points at 13 rebounds.

Sasagupain ng Blazers ang mananalo sa serye ng  San Antonio at Dallas.

Sa Dallas, umiskor si Mon­ta Ellis ng 12 sa kanyang 29 points para sa pag­resbak ng  Mavericks sa fourth quarter at gibain ang San Antonio Spurs, 113-111, sa Game 6.

Kumamada si Dirk No­witzki ng 22 points sa pagpuwersa ng Mavericks sa Spurs sa Game 7.

Sa New York, ipinagpag ni Deron Williams ang kanyang ankle injury sa third pe­­riod para umiskor ng 23 points at ihatid ang Brooklyn Nets sa 97-83 tagumpay kon­tra sa Toronto Raptors sa Game 6.

Ang mananalo sa serye ng Nets at Raptors ang sa­­sagupa sa nagdedepensang Miami Heat sa semis.

vuukle comment

BLA

BROOKLYN NETS

CHANDLER PAR

DAMIAN LILLARD

DERON WILLIAMS

DIRK NO

DWIGHT HO

HOUSTON ROCKETS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with