^

PSN Palaro

Pinay netters kinapos sa Fed Cup

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinapos  ang mga pambato ng Pilipinas na sina Anna Clarice Patrimonio at Marian Jade Capadocia sa hangaring ipasok ang bansa sa Group I sa Fede­ration Cup nang lasapin ang 2-1 pagkatalo sa Hong Kong, China sa finals na ginawa noong Sabado sa National Tennis Centre, Astana, Kazakhstan.

Yumuko ang 20-anyos na si Patrimonio kay Eudice Chong, 6-4, 6-1, bago natalo ang 18-anyos na si Capadocia sa top player na katunggali na si 24-anyos Ling Zhang, 6-1, 6-4.

Naisalba naman ng Pi­nay netters ang laro sa doubles kontra kina Ho Ching Wu at Kwan Yau Ng sa 7-5, 6-3, panalo para hindi mabokya sa tagisan.

Ito na ang pinakamataas na pagtatapos ng Pilipinas mula nang nabalik sa Group II noong 2008 dahil hindi nakakaabot ng final round ang mga inilaban sa mga huling edisyon.

Umabot sa 13 bansa ang naglaban sa taong ito at ang Pilipinas ay na-grupo sa Pool B at tinalo ang Singapore at Sri Lanka sa 3-0 sweep para umabante sa Promotional Play-off.

Nakalaban nina Patrimonio at Capadocia  ang Pool C champion Turkme­nistan at itinatak ng mga Pinays ang kanilang husay kina Jahana Bayramova, Anastasiya Prenko at Guljahan Kadyrova sa 3-0 tagumpay.

Ang Hong Kong, China na winalis ang Pool A gamit ang 3-0 panalo sa Malaysia at Vietnam, ay umani ng 2-1 panalo sa India sa semifinals para makaharap ang Nationals.

Sa pangyayari ay mana­natili sa Group II ang Pilipinas habang aangat ang Hong Kong, China sa Group I sa 2015.

vuukle comment

ANASTASIYA PRENKO

ANG HONG KONG

ANNA CLARICE PATRIMONIO

CAPADOCIA

EUDICE CHONG

GROUP I

GULJAHAN KADYROVA

HONG KONG

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with