28-NBA players inilagay sa National pool para sa US Team
MANILA, Philippines - Pinakamalakas na US basketball team.
Ito ang deklarasyon ni USA Basketball chairman Jerry Colangelo matapos ihayag ang 28 manlalaro na siyang pagmumulan ng US basketball team na maglalaro sa FIBA World Cup sa Spain at sa 2016 Rio Olympics.
Si NBA MVP LeBron James ng Miami Heat ang siyang mangunguna sa 10 iba pang manlalaro na nasama at nanalo ng ginto sa 2012 London Olympics sa 28-man pool.
Ang iba pang beterano ng London Games na kasama sa talaan ay sina Carmelo Anthony, Kevin Durant, Chris Paul, Kevin Love, Deron Williams, James Harden, Russell Westbrook, Anthony Davis, Tyson Chandler at Andrei Iguodala.
Si Kobe Bryant lamang ang nawala sa listahan dahil nauna na siyang nagsabi na ang 2012 London Olympics ang kanyang kahuli-hulihang international competition.
Sina Derrick Rose ng Chicago; Dwight Howard ng Houston; Blake Griffin ng Clippers; Paul George ng Indiana; Stephe Curry, David Lee at Klay Thompson ng Golden State; LaMarcus Aldridge at Damian Lillard ng Portland; DeMarcus Cousins ng Sacramento; Kyrie Irvin ng Cleveland; Kawhi Leonard ng San Antonio; Bradley Beal ng Washington; Kyle Korver ng Atlanta; Andre Drummond ng Detriot; Kenneth Faried ng Denver at Gordon Hayward ng Denver ang kukumpleto sa pool.
“The roster itself is the strongest roster we’ve ever had,†pahayag ni CoÂlangelo.
Idinagdag pa ni ColaÂngelo na nagpasok din sila ng mga batang manlalaro para magkaroon sila ng karanasan na maglaro sa Spain.
Ibinalik din ang 2005 US coach na si Duke coach Mike Krzyzewski para mandohan ang koponan.
- Latest






















