^

PSN Palaro

2 ginto nadagdag sa Phl hatid ng athletics at archery

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinakita ni Fil-Am Eric Shawn Cray ang kanyang kalidad habang pinawi nina Earl Yap at Dean Adriano ang kabiguan sa individual compound nang manalo ang mga nabanggit ng ginto sa pagpapatuloy kahapon ng 27th SEA Games sa Nay Phi Taw, Myanmar.

Tinotoo ni Cray ang naunang sinabi na siya ang tatanghaling kampeon sa paboritong men’s 400m hurdles nang ilampaso ang mgan katunggali na sina Andrian Andrian ng Indonesia at 2011 SEAG champion Dao Xuan Cuong ng Vietnam para sa kanyang kauna-una­hang ginto sa unang pag­lahok sa tuwing kada da­lawang taong kompetis­yon sa South East Asia.

May 51.29 segundo bilis si Cray para iwanan ng milya-milya sina Andrian at Dao na may mahinang 51.74 at 51.79 segundo sa takbuhan.

Ito ang ikatlong ginto ng Pilipinas sa athletics matapos magtagumpay sina Henry Dagmil sa long jump at Archand Christian Bagsit sa 400-m run.

Sina Yap at Adriano ay nakipagtulungan pa kay Ian Chipeco para hiyain ang Malaysia sa men’s team compound na natapos kahapon.

Nakitaan ng tibay ng pulso ang tatlong archers nang gumawa sila ng perpektong 30 puntos sa huling tatlong pana na binitiwan para kunin ang 221-118 tagumpay sa gold medal bout.

Pambawi  ito nina Yap at Adriano na minalas na natalo sa semifinals at naglaban na lamang para sa bronze medal na napagwagian ni Yap sa individual event.

Hindi naman pinalad  sina 800m runner Mervin Guarte, mga rowers  Roque Abala at Alvin Amposta at si Grandmaster John Paul Gomez nang makontento lamang sa pilak na medalya.

Makinang man ang mga gintong napanalunan, hindi naman ito nakatulong para maalis ang Pilipinas sa ika-pitong puwesto sa overall race sa hawak na 14 ginto, 20 pilak at 24 bronze me­dals.

Ang Singapore na siyang host sa 28th SEA Ga­mes ang nanatili sa pang-anim na puwesto sa 22 ginto, 20 pilak at 31 bronze medal.

Malayo na ang nagde­depensang kampeon na Thailand sa 64-55-54 habang ang Vietnam ang nasa ikalawang puwesto sa 47-41-52 bago sumunod ang Indonesia (44-56-55), Myanmar (42-39-46) at Malaysian (27-25-46).

Hindi naman malayong umulan uli ng ginto ngayon dahil may panlaban pa ang bansa sa athletics habang magbubukas na rin ang aksyon sa judo at taekwondo na kung saan malakas din ang mga atletang Pinoy.

vuukle comment

ADRIANO

ALVIN AMPOSTA

ANDRIAN ANDRIAN

ANG SINGAPORE

ARCHAND CHRISTIAN BAGSIT

DAO XUAN CUONG

DEAN ADRIANO

EARL YAP

FIL-AM ERIC SHAWN CRAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with