^

PSN Palaro

Pinas lumapit sa ginto sa World Wushu

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumapit sa isang panalo para sa gintong medalya sina sanda artists Jessie Ali­gaga at Benjie Rivera sa 12th World Wushu Championship sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang tubong Iloilo na si Aligaga ay nangibabaw uli kay W.L. Gunasekara ng Sri Lanka sa 48-kg division, habang si Rivera ng Baguio City ay hiniya ang home town bet na si Lee Wei Loong sa 52-kg class.

Si Gunasekara ang ti­nalo ni Aligaga nang hinirang na kampeon sa dibis­yon sa 11th World Wushu Championship.

 Ang ginto ay pupuntir­yahin ng 5-footer na si Ali­gaga laban kay Song Bu Er ng China na isang baguhan sa kompetisyon.

Sa kabilang banda, ang 2005 gold medalist na si Rivera ay haharapin si Hoang Hung Tu ng Vietnam.

Si Tu ay siyang tinalo ni Dembert Arcita noong 2011 Finals.

Si Arcita ay hindi isi­na­ma sa pagkakataong ito ng Wushu Federation of the Philippines (WFP).

Hindi naman pinalad na manalo sina Jean Claude Saclag ng Baguio City at Evita Elise Zamora ng Da­vao City sa kanilang mga la­ban para makuntento sa bronze medals.

Yumuko si Saclag kay Ban Van Trong ng Vietnam, habang si Zamora ay nata­lo kay Elahe Mansoryan Sa­miroumi ng Iran.

vuukle comment

ALIGAGA

BAGUIO CITY

BAN VAN TRONG

BENJIE RIVERA

DEMBERT ARCITA

ELAHE MANSORYAN SA

EVITA ELISE ZAMORA

SHY

WORLD WUSHU CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with