^

PSN Palaro

Ajay Pathak Memorial Cup/ITF Netfest Lim, Jones pasok sa Last 8

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabante na sa quarterfinals sina Alberto Lim Jr. at Fil-British Meredith Jones nang manalo sa pagpapatuloy kahapon ng Ajay Pathak Memorial Cup/ITF Asia 14-and-under Development Championships 2013, Division 1 sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ang pinakabatang NCAA juniors MVP na si Lim ay sinibak si Jiang Xingsheng ng China, 6-1, 6-0, upang magbunga agad ang unang laro sa boys’ division sa palarong  suportado ng ITF Grand Slam Development Fund at ng Philippine Tennis Academy.

Ito ang unang salang sa aksyon ng 13-anyos na si Lim, ang top seed sa torneo, matapos mag-bye sa first round.

Si Jones na nanalo sa unang round laban kay Thu Nguyen Phuong ng Vietnam, 6-0,6-2, ay madali ring nalusutan si Lam Wing Kiu ng Hong Kong, 6-2, 6-1, para pumasok sa girls quarterfinals sa torneong may ayuda rin ng Philippine Sports Commission (PSC), Technifibre Balls, Wilkins, Mariposa Foundation at Trans-Asia Corp.

Masusukat si Jones, ang 8th pick sa torneo, sa sunod niyang laban dahil babanggain niya ang fourth seed  na si Eunse Jang ng Korea na tinalo si Youmi Zhuoma ng China, 1-6, 6-2, 6-4.

Ang mananalo kina Lam Ching ng Hong Kong at Charles Roberts ng Thailand ang kalaban ni Lim sa torneong inialay sa namayapang dating Philta at ITF official na si Ajay Pathak.

Sina Vorachon Rachpuangchon ng Thailand ay umukit ng 6-2, 6-1, tagumpay kay Nguyen Dac Tien ng Vietnam habang si Wu Yibing ng China ay nanaig kay Vashist Vinod ng India, 6-4, 6-0, para umabante rin sa quarterfinals sa boys’ division.

Ang iba pang pumasok sa Last eight sa kababaihan ay sina Himani Mor ng India at Yinglak Jittakoat ng Thailand.

Si Mor ay may 6-4, 7-5, panalo kay Park Mi Jeong ng Korea habang 6-4, 6-4, panalo ang kinuha ni Jittakoat kay Eliza Askarova ng Kyrgyzstan.

vuukle comment

AJAY PATHAK

AJAY PATHAK MEMORIAL CUP

ALBERTO LIM JR.

CHARLES ROBERTS

DEVELOPMENT CHAMPIONSHIPS

ELIZA ASKAROVA

EUNSE JANG

FIL-BRITISH MEREDITH JONES

GRAND SLAM DEVELOPMENT FUND

HONG KONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with