^

PSN Palaro

Amit, Ranola Napatalsik na

- Angeline Tan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bigo pa rin ang Pilipinas sa hangaring makakita ng kauna-unahang lady pool player na magiging kampeon sa World Women’s 9-Ball Championship.

Sa idinadaos na kompetisyon sa Richgate Shopping Center sa Shenyang, China, tuluyang natapos na ang laban nina Rubi­len Amit at Iris Ranola nang parehong natalo sa kanilang mga laro sa pag­bubukas ng knockout stage noong Miyerkules.

Hindi nailabas ng multi-gold medalist sa SEA Ga­mes na si Amit ang la­rong ­nasilayan sa kanya sa Group eliminations na kung saan nanalo siya ng dalawang sunod para agad na umabante mula sa winner’s group, nang lasapin ang 2-9 pagkatalo sa kamay ni Chichiro Kawahara ng Japan.

Sinikap naman ni 26th SEAG 8-ball at 9-ball gold medalist na si Ranola na bigyan ng magandang laban si four-time champion Allison Fisher ng Great Bri­tain pero mas lutang ang ka­ranasan ng katunggali para sa 9-6 panalo.

Alternate break ang format sa knockout stage at sina Kawahara at Fisher ay minalas din na namaalam sa laban nang ang una ay yumukod kay Siming Chen ng China, 0-9, habang talo si Fisher kay Tan Ho Yun ng Chinese Taipei, 8-9.

Ang pinakamagandang laro na nasilayan ng pambato ng bansa sa nasabing kompetisyon na may basbas ng World Pool Asso­ciation (WPA) ay noong 2007 nang pumangalawa si Amit kay Pan Xiao Ting ng China.

vuukle comment

ALLISON FISHER

BALL CHAMPIONSHIP

CHICHIRO KAWAHARA

CHINESE TAIPEI

GREAT BRI

IRIS RANOLA

PAN XIAO TING

RICHGATE SHOPPING CENTER

SHY

SIMING CHEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with