Lady Eagles biyaheng finals na
- Ni Angeline Tan () - May 30, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nasa finals na uli ang Ateneo nang kanilang patalsikin ang NCAA cham­pion Perpetual Help, 25-23, 25-11, 25-23 para angkinin ang 2-0 sweep sa semifinals sa 9th Shakey’s V-League na handog ng Smart kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nalimitahan lamang sa apat na puntos si Alyssa Valdez pero umangat ang laro ni Thai import Phee Nok Kesinee na may 17 hits mula sa 11 kills at 6 blocks.

Si Dzi Gervacio at Suzanne Roces ay nagtala rin ng tig-10 puntos at ang Lady Eagles ay nakalusot sa matinding hamon ng Lady Altas sa una at ikatlong sets para manatiling buhay ang paghahabol sa ikalawang dikit na titulo sa ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s Pizza.

Naiangat ng Lady Eagles ang malinis na karta sa 10-0 sa ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa pero maghihintay pa ng makakalaban ang nasabing koponan nang makahirit ng do-or-die showdown ang San Sebastian sa UST.

Kumawala ng 40 puntos si Jeng Bualee mula sa 38 kills at tig-isang block at service ace habang 18 kills tungo sa 20 hits ang ginawa ni Analyn Joy Benito at ang Lady Stags ay nanalo sa limang mahigpitang sets, 22-25, 29-27, 14-25, 25-23, 15-12 na umabot ng isang oras at 54 minuto.

Si Judy Caballejo ay may­roong 25 hits, tampok ang 21 kills habang 20 ang ibinigay ni Thai im­port Utaiwan Kaensing para sa Lady Tigresses na masusukat ang tangkang ikapitong kampeonato sa liga sa rubbermatch sa Huwebes.

ALYSSA VALDEZ ANALYN JOY BENITO JENG BUALEE LADY ALTAS LADY EAGLES LADY STAGS LADY TIGRESSES PERPETUAL HELP PHEE NOK KESINEE SAN JUAN CITY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with