^

PSN Palaro

Ateneo belles pakay ang semis vs Adamson spikers

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kasabay ng pag-asinta ng puwesto sa semifinals ng nagdedepensang kampeon na Ateneo ay ang paghaha­bol ng panalo ng tatlong iba pang koponan upang makaiwas sa maagang ba­kasyon sa pagpapatuloy ngayon ng 9th Shakey’s V-League na handog ng Smart at gagawin sa The Arena sa San Juan City.

Kalaban ng Lady Eagles ang Adamson sa ikalawang laro na magsisimula matapos ang tagisan ng University of St. La Salle at National University sa ganap na alas-2 ng hapon.

May 4-0 karta ang Lady Eagles matapos ang 3-0 pa­nalo sa Lady Stingers upang makasalo ang UST sa unang puwesto.

Ang magbabalik na La­dy Tigresses ay nanaig sa apat na sets kontra sa FEU na nangyari noong Linggo.

Ang tikas nina Alyssa Valdez, Fille Cainglet at Thai import Phee Nok Kesinee ay masusukat uli sa Lady Falcons na gagawin ang la­hat ng makakaya para ipa­tikim sa Lady Eagles ang unang kabiguan sa larong inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

Sa 1-3 baraha, ang La­dy Falcons ay nanga­ngailangan na maipanalo ang nalalabing tatlong laro para makahabol sa apat na koponang uusad sa Final Four.

Magiging mainitan din ang labanan sa unang laro sa pagitan ng mga wala pang panalong koponan.

May 0-4 karta ang La Salle Bacolod habang 0-3 ang National University kaya’t ang matatalo ay tulu­yan ng mamamahinga sa ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa.

Ang mga larong ito ay mapapanood ng delayed ngayong ika-7 ng gabi sa AKTV-13 pero ang laro ay mapapanood sa live strea­ming gamit ang www.v-lea­gue.ph.  

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

FILLE CAINGLET

FINAL FOUR

LA SALLE BACOLOD

LADY EAGLES

LADY FALCONS

LADY STINGERS

NATIONAL UNIVERSITY

PHEE NOK KESINEE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with