^

PSN Palaro

Pananalasa ng Gems winakasan ng Super Chargers

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi pa rin natatapos ang winning streak ng bagong coach na si Ro­bert Sison nang kunin ng Big Chill ang 68-52 panalo sa Cebuana Lhuillier sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup kahapon sa The Arena sa San Juan.

 Walang Super Chargers ang nakaiskor ng doble pigura at si Alex Mallari ang nanguna sa kanyang 9 puntos. Pero binawi ito ng koponan gamit ang magandang team work dahil isa lamang sa ipinasok ni Sison ang hindi nakapuntos.

 “Hindi pa nananalo ang Big Chill sa Cebuana kaya ito ang naging motibasyon nila. Ngayon naipakita ng mga players na kaya rin nilang manalo sa kanila,” wika ni Sison na may 3-0 karta matapos kunin sa koponan kahalili ni Arsenio Dysangco na naalis nang natalo sa NLEX, 70-80.

 Nagpakita naman ng tibay ng dibdib ang Junior Powerade nang humabol sila mula sa 11 puntos pagkakaiwan bago inangkin ang 67-61 panalo laban sa minamalas pa ring Cagayan Rising Suns sa unang laro.

Nalaglag naman ang Suns sa 0-3 karta.

vuukle comment

ALEX MALLARI

ARSENIO DYSANGCO

BIG CHILL

CAGAYAN RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

JUNIOR POWERADE

SAN JUAN

SISON

WALANG SUPER CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with