^

PSN Palaro

Guarte humakot ng 4 gold

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Napagtagumpayan ni Mervin Guarte ng San Se­bastian ang misyong hi­rangin bilang multiple gold medalists nang kunin ang pangunguna sa 1,500m at 5,000m run sa pagtatapos ng 87th NCAA athletics ka­hapon sa Rizal Memorial Track and Field Stadium.

Naorasan si Guarte ng 4:02.15 sa 1,500m run at 15:45.38 sa 5,000m event tu­ngo sa ikatlo at ikaapat na gintong medalya matapos dominahin ang 3,000m steeplechase at 800m run.

Ngunit kinapos pa rin si Guarte, isang double silver medalists sa 26th SEA Games sa hangaring ibalik sa Baste ang overall title sa kompetisyon nang pu­mangalawa lamang sa mga nagsilahok tangan ang 591.66 puntos.

Ang nagdedepensang Jose Rizal University na hi­nawakan ng mga tiniti­nga­­lang coaches sa athle­tics na sina Rosito An­daya, Jojo Posadas at El­ma Muros-Posadas, ang siyang namayani uli nang makalikom ang inilabang manlalaro ng kabuuang 740 puntos.

Si John Albert Mantua ang siyang nagdala sa la­ban ng Heavy Bombers sa kanyang isang ginto at dalawang pilak.

Dahil dito, siya ang hinirang bilang Most Outstan­ding Athlete ng taon, isang award na ibinibigay sa atleta mula sa champion team na may pinakamagandang ipinakita.

“Ang ikalawang sunod na overall title ng JRU ay patunay sa hirap na ginawa ng mga atleta at coaches na nagpakahirap sa pagsa­sanay para bigyan ng karangalan ang paaralan. Ipi­nagmamalaki namin silang lahat,” wika ni Jose Supan na siyang kinatawan ng Heavy Bom­bers sa Management Committee (MANCOM).

Pumangatlo sa karera ang host University of Perpetual Help System Dalta sa naitalang 464.83 puntos habang ang Letran na host ng athletics sa taong ito ang pumang-apat sa 419 puntos.

Pinangunahan ang Knights ni national player Archand Christian Bagsit na inangkin ang ginto sa 200m at 400m run para maisantabi ang pagkatalo sa 100m dash.

vuukle comment

ARCHAND CHRISTIAN BAGSIT

GUARTE

HEAVY BOM

HEAVY BOMBERS

JOJO POSADAS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

JOSE SUPAN

MANAGEMENT COMMITTEE

MERVIN GUARTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with