^

PSN Palaro

Cebuana nag-iisa na lang sa itaas

-

MANILA, Philippines - Umangat uli sa solo li­derato ang Cebuana Lhuillier nang kalusin nila ang Boracay Rhum, 76-63, sa PBA D-League Aspirant’s Cup kahapon sa San Juan Gym.

May 12 puntos sa kabu­uang 19 sa laro ang ibi­nagsak ni Vic Manuel sa ikatl­ong yugto na kung saan iniwan na ng Gems ang Waves, 59-48, tungo sa paghablot ng ikapitong pa­nalo sa walong laban.

“Nakuha namin ang la­ro sa second half kaya na­kabawi matapos ang slow start sa first half,” wika ni Gems coach Luigi Trillo.

May 24 puntos si Ter­ren­ce Romeo habang 14 puntos at 10 assists ang ibinigay ni Jai Reyes sa nanalong koponan.

Samantala, tinapos ng PC Gilmore ang limang sunod na kabiguan gamit ang 82-80 panalo sa Café France sa unang laro.

Sina Macky Acosta, Jett Vidal at Eugene Torres ang mga nagtulung-tulong nang bumangon ang Wi­zards mula sa 50-68 iskor para makapasok na rin sa win column.

Sa 1-5 baraha, nananatili pang buhay ang kanilang paghahangad na mapa­sama sa anim na koponan na aabante sa susunod na yugto ng kompetisyon.

May 15 puntos at 12 re­bounds si Acosta at walo rito ay ginawa sa huling yugto at tinapos ng Wizards ang labanan gamit ang 16-0 run.

Nalaglag ang Bakers sa 2-4 karta at nasayang ang 30 puntos, 9 rebounds at 8 assists ni Jeff Viernes. (Angeline Tan) 

Cebuana Lhuillier--Romeo 24, Manuel 19, Reyes 14, Jeffries 6, Mangahas 4, Celeda 3, Cruz 2, Hayes 2, Taha 2, Llagas 0.

Boracay Rum 63--Bandaying 15, Eguilos 12, Sabelina 7, Siruma 6, Hermosisima 5, Rosopa 4, Khobuntin 4, Cornejo 4, Abaya 2, Baloran 2.

Quarterscores: 17-19; 29-33; 59-48; 76-63.

vuukle comment

ANGELINE TAN

BORACAY RHUM

BORACAY RUM

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANT

EUGENE TORRES

JAI REYES

JEFF VIERNES

JETT VIDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with