^

PSN Palaro

Win No. 7 hangad ng SSC Stags laban sa Arellano Chiefs

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Inaasahang babalik muli ang dating sigla ng paglalaro ng San Sebastian sa 87th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Napalaban ang Stags sa Emilio Aguinaldo College bago nila ito naigupo, 77-70, para manatiling mali­nis ang karta sa torneo.

“Napahinga rin kami ng ilang araw kaya medyo nawala ang laro. But these things can be corrected and I expect them to play much better,” wika ni Stags head coach Topex Robinson.

Kalaro ng Stags (6-0) ang Arellano (1-5) na mag­ku­kumahog na ma­nalo.

Ang sagupaan ay iti­nakda ganap na alas-11:45 ng tanghali bago sundan ng sukatan ng EAC (2-4) at host University of Perpetual Help System Dalta (1-5) sa alas-4.

Sina Calvin Abueva, Ro­nald Pascual at Ian San­galang ang mga kaka­ma­da uli sa Stags ngunit ma­kakatulong sa asam na ika­pitong panalo at balik sos­yo sa lideratong kasalu­ku­yang tangan ng San Be­da kung tutulong ang bench tulad ni Anthony del Rio na gumawa ng 10 pun­tos at krusyal na steal sa endgame.

Aasa naman ang Chiefs sa husay nina Rocky Acid­re, Adrian Celada, Prince Caperal, Gerald Lapuz at Vergel Zulueta para mapag-init pa ang nanlalamig na kampanya ng tropa ni coach Leo Isaac.

Matapos buksan ang kampanya sa 1-1 karta, ang Chiefs ay natalo sa su­nod na apat na laro para ma­kasalo ang Altas sa hu­ling puwesto.

Pipilitin rin ng Generals na ibalik ang dating sigla ng kam­panya laban sa Atlas na magnanais bumangon mu­la sa 83-88 kabiguan sa St. Benilde (3-4) .

vuukle comment

ADRIAN CELADA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

GERALD LAPUZ

IAN SAN

LEO ISAAC

PRINCE CAPERAL

ROCKY ACID

SAN BE

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with