^

PSN Palaro

Fighting Maroons ikakasa semis spot

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aasintahin ng University of the Philippines ang unang silya sa Final Four sa kanilang pakikipagtunggali sa Ateneo sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament na lalaruin sa Smart Araneta Coliseum  ngayong araw.

Nakatuon ang Fighting Maroons sa pagpapahaba ng Final Four streak sa anim na sunod na seasons kaya nasa kukote nila ang kuyugin ang Blue Eagles sa pagsimula ng kanilang laro sa  alas-6 ng gabi.

Kasalukuyang pinakamainit na koponan sa liga na may anim na sunod na panalo ang UP  tangan  ang 8-2 record at kasalukuyang solo sila sa tuktok ng team standings.

Lamang ng isang laro ang UP sa No. 2  National University (7-3) at may da­lawang larong kalamangan sa Far Eastern University at De La Salle, na kasaluku­yang magkatabla sa ikatlong puwesto na may tig-6-4 kartada.

Nakapuwesto ang A­te­neo sa labas ng magic four dahil mayroon lamang itong hawak na 5-5 baraha sa likod ng Tamaraws at Green Archers na umaa­sam sa No. 4 spot.

Pakay din ng UP na makuha ang twice-to-beat advantage sa Final Four at posibleng pagkuhanan nila ng lakas ang tikas ni Noy Remogat.

Samantala, magsasagupa naman ang Adamson University at University of the East sa unang laro sa alas-2:30 ng hapon.

FIGHTING

MAROON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with