^

PSN Palaro

Eagles patuloy sa mataas na paglipad

-

Manila, Philippines - Hindi man kasing gan­da ang opensang naipakita, hindi pa rin napigil ang pagragasa sa panalo ng 3-peat champion Ateneo nang kunin ang 73-61 pa­nalo sa UE sa 74th UAAP men’s basketball kahapon sa Big Dome.

Isang tres sa 17 buslo at 25 of 67 ang shooting na nakita sa Eagles pero walang naitapat ang Warriors sa higanteng si Greg Slaughter na kumawala ng 18 puntos at 10 rebounds tungo sa pagsungkit ng tropa ni coach Norman Black ng ikaapat na sunod na panalo.

“UE played well and did a good job on the man to man zone. We really struggled the whole game,” wika nga ni Black.

Sa ikatlong yugto nagsimulang umarangkada ang Eagles upang mahawakan ang kumportableng 51-39 papasok sa huling yugto.

Ang natatanging tres sa laro ay kinuha ni Emman Monfort para ilayo pa sa 14 ang Eagles, 61-47 nasa huling apat na minuto na lamang sa orasan.

May 13 puntos naman si Kiefer Ravena habang 10 pa ang ibinigay ni Nico Salva.

Si Paul Zamar ay may­roong 13 puntos pero hindi sapat ang ginawa para pigilan ang paglaglag pa ng tropa ni rookie UE coach Jerry Codiñera sa 0-4 karta.

Humablot naman ng 64 rebounds ang La Salle at nakitaan din sila ng mas magandang ball movement kumpara sa mga laro sa FEU at Ateneo na kanilang naipatalo para kunin ang 79-67 tagumpay sa UP sa unang laro.

 Ang 64 rebounds ay pinakamarami sa liga ma­tapos gumawa ng 68 ang Ateneo nang manalo rin sa UP, 79-55, noong Hulyo 12, 2007.

 Si Luigi Dela Paz ay mayroong 14 puntos, 7 rebounds at 4 assists, si Jaerlan Tampus ay mayroong 13 habang ang mga higanteng sina 6’8” rookie Arnold Van Opstal at 6’7 Yutien Andrada ay nagsanib sa 24 puntos para manalo ang Archers kahit may 9 na puntos lamang ang ace scorer na si LA Revilla.

 Ibinaon ng Archers ang Maroons sa ikatlong yugto nang makalayo nga sa 59-39. (Angeline Tan)

DLSU 79--Dela Paz 14, Tampus 13, Van Opstal 13, Andrada 11, Revilla 9, Atkins 7, Villanueva 6, Torres 4, Vosotros 2, Gotladera 0, Marata 0, Mendoza 0.

 UP 67--Silungan 16, Mbah 15, Manuel 13, Montecastro 11, Gomez 5, Juruena 4, Gamboa 3, Gingerich 0, Maniego 0, Pascual 0, Romero 0.

Quarterscores: 20-12; 36-29; 59-39, 79-67.

ADMU 73--Slaughter 18, Ravena 13, Salva 10, Long 9, Monfort 9, Tiongson 8, Austria 2, Chua 2, Erram 2, Golla 0, Gonzaga 0, Pessumal 0, Sumalinog 0.

 UE 61-- Zamar 13, Noble 11, Javier 9, Santos 7, De Leon 6, Enguio 5, Sumang 5, Chavez 2, Tagarda 2, Flores 1, Duran 0, Montelibano 0, Sumido 0.

Quarterscores: 16-14; 28-25; 51-39; 73-61.

vuukle comment

ANGELINE TAN

ARNOLD VAN OPSTAL

ATENEO

BIG DOME

DE LEON

DELA PAZ

EMMAN MONFORT

GREG SLAUGHTER

JAERLAN TAMPUS

JERRY CODI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with