^

PSN Palaro

Pulpul may tiket na sa main draw ng WTBC

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Babalik si Denosthenes Pulpul sa 2011 World 10-Ball Championship.

Ang manlalarong naka­abot sa semifinals sa kompetisyon tatlong taon na ang nakalipas ay nakaalpas sa qualifying round nang talunin ang kababayang si Edgar Acaba, 9-2, na nilaro sa Star Billiards Center sa Quezon City.

Para marating ang finals, si Pulpul ay nanalo muna kay Jonas Magpantay sa semifinals upang makuha ang karapatang labanan si Acaba.

Nakasama ni Pulpul na nakaabante sa main draw na magsisimula sa Martes sa World Trade Center sa Pasay City ay si Guo Hoa ng China.

Kinailangang magpa­kita ng tibay si Guo upang matalo si Egie Geronimo ng Pilipinas, 9-8.

“I thought I was going to lose the match because of how the way he was able to make the first two balls,”wika ni Guo.

Umabante nga si Guo sa 8-6 pero nagmintis siya sa 10-ball sa 15th rack para makabalik si Geronimo.

Nanalo pa si Geronimo sa 16th rack at namuro siya na makaabante sa Stage 2 nang maihulog ang 3-ball sa sargo.

Pero sumablay si Ge­ronimo sa 5-ball at ito na rin ang nagselyo ng kanyang kabiguan sa laban.

vuukle comment

BALL CHAMPIONSHIP

DENOSTHENES PULPUL

EDGAR ACABA

EGIE GERONIMO

GERONIMO

GUO

GUO HOA

JONAS MAGPANTAY

PASAY CITY

PULPUL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with