^

PSN Palaro

Wade may pinatunayan, Heat wagi

-

MINNEAPOLIS--Tina­wag ni Shaquille O’Neal si Dwyane Wade na “Flash” dahil mayroon siyang dahilan.

Umiskor si Wade ng 16 sa kanyang 32 points sa third period upang igiya ang Miami Heat sa 111-92 paggupo sa Minnesota Timberwolves.

Nagdagdag naman si LeBron James ng 27 points, 10 assists at 6 rebounds para sa Heat.

Humakot si Chris Bosh ng 24 points at 11 rebounds para sa Miami na naiwanan ng Minnesota sa halftime bago binuksan ang third quarter mula sa isang 25-1 run upang kontrolin ang laro.

Inaasahang mapapasakamay ng Heat ang top spot sa Southeast Division.

Nagbulsa naman si Ke­vin Love ng 18 points at 7 rebounds para sa Timberwolves.

Ito ang pang siyam na sunod na kamalasan ng Minnesota kung saan hindi nakalaro si Love sa kanilang dalawang laban bunga ng strained left groin.

Kinuha ng Wolves ang 52-51 lamang sa first half hanggang imintis ang kanilang 14 shots sa third quarter.

Sa Atlanta, inilista ni Al Horfortd ang kanyang ika-35th double-double na tinampukan ng tip-in may 7.9 segundo na lang sa laro ang nagdala sa Hawks sa 88-83 panalo laban sa Boston Celtics.

Sa iba pang resulta, na­nalo ang San Antonio sa Houston, 119-114; Indiana sa Milwaukee, 89-88; Phoenix sa L.A. Clippers, 11-98 at Chicago sa Detroit, 101-96.

vuukle comment

AL HORFORTD

BOSTON CELTICS

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

MIAMI HEAT

MINNESOTA TIMBERWOLVES

SA ATLANTA

SAN ANTONIO

SHAQUILLE O

SOUTHEAST DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with