^

PSN Palaro

Orcollo babandera sa Pinas Sa PHL Open Pool

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Dadalhin ni Dennis Orcollo ang bangis ng paglalaro sa bansa sa paglahok nito sa Philippine Open 10-Ball Pool Championships na gagawin sa SM Me­gamall mula Abril 7 hanggang 11.

Ang kompetisyon ay katatampukan ng pinakamahuhusay na kalalakihan at kababaihang cue artist ng mundo na maglalaban-laban para sa $170,000 kabuuang premyo na inilatag sa torneo.

Si Orcollo ay sariwa pa sa pagkapanalo Derby City Classic 9-Ball division at sa World 8-Ball Cham­pionships na ginawa sa US at Fujairah, United Arab Emirates.

Ang huling titulo na ito ni Orcollo ang nagselyo sa kanya bilang isa sa pinakamahusay na pool player ng mundo.

Makakasalamuha niya sa kompetisyon ang mga tinitingalang sina dating world champion Ralf Souquet, Darrent Appleton at ang nagdedepensang Philippine Open champion Ricky Yang ng Indonesia na nagpasabi na maglala­ro sa torneo.

Ang number one at two sa kababaihan na sina Ga Young Kim ng Korea at Allison Fisher ng Great Britian naman ang mangu­nguna sa hanay ng mga kababaihan.

Ang magkakampeon sa kalalakihan ay magbi­bitbit ng $30,000 habang $20,000 naman ang pa­buyang makakamit ng mag­dodomina sa kababa­ihan.

Aabot sa 64 manlalaro ang papasok sa main draw sa men’s division habang 32 naman ang bilang sa kababaihan na sasailalim sa double-elimination round at ang apat na lalabas na manlalaro ay maglalaban naman sa crossover semifinals. 

Ang dalawang matitirang manlalaro ang magtatagisan sa kampeonato.

Makukumpleto ang talaan ng mga kalahok base sa world rankings o gamit ang rekomendasyon ng mga continental federations na kasapi ng World Pool Associations.

Bukod ito sa mga qualifying events na ilalarga sa bansa isang linggo bago ang aktuwal na kompetis­yon.

vuukle comment

ALLISON FISHER

BALL CHAM

BALL POOL CHAMPIONSHIPS

DARRENT APPLETON

DENNIS ORCOLLO

DERBY CITY CLASSIC

GA YOUNG KIM

GREAT BRITIAN

PHILIPPINE OPEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with