Orcollo tinumbok ni Reyes sa World 8-Ball Championship
() - February 24, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Inangkin ni Efren “Bata” Reyes ang kanyang ikalawang sunod na panalo sa World 8-Ball Pool Championship 2011 matapos daigin ang kababayang si Dennis “Robocop” Orcollo, 7-5, sa Fujairah Exhibition Center sa Fujairah, United Arab Emirates (UAE) kahapon.

May 2-0 record nagyon ang 56-anyos na billiard legend sa group stage play ng naturang 8-ball tournament.

Sunod na makakatapat ni Reyes ang kababayang si Antonio “Nickoy” Lining ng Oriental Mindoro, nagpayukod kay Jepthant Palencia, 7-2, sa Group 3.

“Sana mahawakan ko ang momentum,” ani ‘Bata,’ nagdomina sa WPA World Pool Championships sa Cardiff, Wales noong 1999 at WPA World 8-Ball Championships sa Fujairah, United Arab Emirates noong 2005.

Katulad nina Reyes at Lining, nagposte rin ng kani-kanilang mga panalo sina Ronato “Volcano” Alcano ng Calamba, Laguna at Lee Vann “The Slayer” Corteza ng Davao City.

Tinalo ni Alcano si Ramil “Bebeng” Gallego, 7-4, sa Group 7, samantalang iginupo ni Corteza si Mehdi Rasheki, 7-3, sa Group 10.

Makakatapat ni Alcano si Basher Hussain, habang makakalaban naman ni Corteza si Thomas Engert.

Natalo naman sa kanilang mga kalaro sina World 9-ball champion Francisco “Django” Bustamante at Venancio Tanio kina David Alcaide, 7-3, at Mika Immonen, 7-4, ayon sa pagkakasunod.

Nauna nang nabigo si Bustamante, 6-7, kay dating World 9-Ball champion Daryl Peach ng Great Britain.

ALCANO BALL CHAMPIONSHIPS BALL POOL CHAMPIONSHIP BASHER HUSSAIN BATA BUSTAMANTE CORTEZA REYES UNITED ARAB EMIRATES
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with