^

PSN Palaro

RP cue artist isinalba ni Orcollo

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines –  Ang pagkapanalo ni Dennis Orcollo sa Asian Games ang siyang naglagay ng tuldok sa isa pang mabungang pagpapasikat ng mga Pambansang cue artist sa taong 2010.

Isinalba ni Orcollo ang sana’y kawalan ng gintong medalya ng billiards team sa Guangzhou China nang talunin ang kababayang si Warren Kiamco para maipagpatuloy sa ikatlong sunod na Asian Games ang paghahatid ng ginto ng mga manunumbok ng bansa.

Maliban sa Asian Games, ilang pang mga malalaking kompetisyon sa labas ng bansa ang hinakot ng ating man­lalaro na patuloy na nagpapatunay na kahanay pa rin ang mga Filipino cue-artist sa mga mahuhusay na man­lalaro ng ibang bansa.

Ang mga beteranong sina Efren Reyes Jr. at Francisco Bustamante ay nakitaan ng husay kahit nagkakaedad na habang si Jundel Mazon naman ang lumabas bi­lang panorpresa ng Pilipinas nang manalo ng kanyang kauna-unahang malaking titulo habang kinaharap ang mga bigating dayuhan.

Sa edad na 56-anyos, taglay pa rin ng tinaguriang “The Magician” sa pool ang angking husay nang manalo ito ng anim sa 15 kompetisyon na sinalihan para magkamit ng $93,709 na pinakamalaki sa hanay ng mga local players sa taong ito.

Siya nga ang nagbukas sa magandang kampanya ng bansa nang manalo ng tatlong titulo sa Derby City Classic noong Enero, tampok ang Master of the Table para sa $20,000 gantimpala.

Kampeon din si Reyes sa Predator International 10ball Event at kabilang sa nanalong Asian team sa Asia vs Europe Challenge Match upang mapawi ang kabiguang maidepensa ang World Cup of Pool title kasama ni Bustamante na nilaro sa bansa.

Bahagi rin si Bustamante ng Asian team sa Challenge match, at nanalo pa sa Japan Open. Pero ang pi­nakamalaking panalo nito ay sa World 9-Ball Cham­pionship na ginawa sa Doha Qatar para mapa­nalunan din ang $36,000 gantimpala.

May kabuuang $81,851 ang kinita ni Bustamante sa 13 torneong sinalihan ngunit ang tunay na nagselyo sa kanyang pagiging pambato ng bansa sa sport na ito ay nang pangalanan din siya pang World Pool Association number one player ng 2010.

Hindi naman nagpahuli si Lee Van Corteza na kinuha ang US Open 10-ball Championship habang si Orcollo ay nanguna rin sa World Pool Masters sa Riviera Hotel and Casino sa Las Vegas.

Nagparamdam naman si Mazon ng kanyang ka­han­daan na maihanay na rin bilang isa sa masasandalan ng Pilipinas matapos mapanalunan ang Guinness World Series of Pool sa Jakarta para sa kanyang kauna-unahang major title at mapanalunan din ang $40,000 unang premyo.

Patuloy pa rin ang problema sa liderato ng billiards association sa bansa pero dahil sa pagkinang na ito ng mga pool players ay natatabunan pa rin ang problemang ito at patuloy pa ring naiwawagayway ang bandila ng bansa sa mga malalaking torneong nilahukan.

vuukle comment

ASIAN GAMES

BALL CHAM

BANSA

BUSTAMANTE

DENNIS ORCOLLO

DERBY CITY CLASSIC

DOHA QATAR

EFREN REYES JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with