^

PSN Palaro

Rudas nasa semis na sa Singapore ITF

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nagpasiklab si Marinel Rudas sa idinadaos na Singapore ITF Junior Championships sa Singapore.

Isang grade 5 ranked event ng ITF, ang 16-anyos na si Rudas ay nakagawa ng kanyang pinakamagandang paglalaro sa taong ito nang umusad siya sa se­mifinals ng torneo.

Huling manlalaro na lu­masap sa bangis ng laro ni Rudas ay si seventh seed Verena Jane Scott na natalo sa pamamagitan ng 6-2, 4-1 retired sa quarter­finals.

Bago si Scott ay naka­ukit na muna ng panalo si Rudas kina Singapore wild card Hannah Chew, 6-1, 6-0, at kay third seed Hitomi Naito ng Japan, 6-3, 6-1.

Ang puwesto sa finals ay hahangarin ni Rudas sa pagbangga sa second seed na si Kanika Vaidya ng India.

Ang mananalo sa labang ito ang siyang hahamon sa mananalo naman sa pagitan nina top seed Sanae Ota ng Japan at fourth seed Hsu Ching-wen ng Chinese Taipei. Ito ang unang pagka­kataon sa taong ito na nakapasok sa semifinals si Ru­das sa mga torneong nilahukan.

Ang dating pinakamagandang pagtatapos ay naitala sa Brunei ITF Junior Circuit na kung saan uma­bot siya sa quarterfinals bago namaalam.

Lumahok din si Rudas sa doubles at ang tambalan nila ni Naito ay nagpaabot sa dalawa hanggang semifinals bago sila namaalam sa top seeds na sina Ota at Hsu, 1-6, 3-6.

vuukle comment

CHINESE TAIPEI

HANNAH CHEW

HITOMI NAITO

HSU CHING

JUNIOR CHAMPIONSHIPS

JUNIOR CIRCUIT

KANIKA VAIDYA

MARINEL RUDAS

SANAE OTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with