^

PSN Palaro

Mayweather inireklamo ng kasintahan

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Las Vegas--Matapos pa­tutsadahan si Manny Pac­quiao, isang dating ka­sin­tahan naman ang sinasabing binugbog ni Floyd Mayweather, Jr.

Tumawag si Josie Harris sa Las Vegas Metropolitan Police upang iulat ang pana­nakit sa kanya ni Mayweather, ayon kay police spokesman Bill Cassell.

Sinabi ng spokesman na ginamot na ang 25-anyos na si Harris sa isang ospital para sa kanyang “minor in­juries”.

“At this point, Mr. Mayweather is a suspect in a domestic battery violence case, and we would very much like to speak with him,” wika ni Cassell sa Ame­rican six-time world boxing champion.

Idinagdag rin ni Cassell na ang mga sugat ni Harris, may tatlong anak kay Mayweather, ang siya nilang gagamitin bilang bahagi ng kanilang imbes­tigasyon.

Kamakailan lamang ay humingi ng patawad ang 33-anyos na si Mayweather sa 31-anyos na si Pacquiao kaugnay sa kanyang video clip na nagpapakita ng paghamak sa Filipino world seven-division titlist.

Huling lumaban si May­weather noong Mayo 1 kung saan niya tinalo si Sugar Shane Mosley via unanimous decision sa MGM Grand sa Las Vegas.

Ang uncle at trainer, ni Mayweather na si Roger Mayweather ay nahaharap rin sa isang criminal trial mula sa sinasabing panana­kit sa isang female boxer.

vuukle comment

BILL CASSELL

CASSELL

FLOYD MAYWEATHER

JOSIE HARRIS

LAS VEGAS

LAS VEGAS METROPOLITAN POLICE

MANNY PAC

MAYWEATHER

MR. MAYWEATHER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with