^

PSN Palaro

2 dikit na TOP leg title puntirya ng Cobra vs Ascof Lagundi

-

MANILA, Philippines - Pilit na isasantabi ng Co­bra Energy Drink ang na­raramdamang pagod mula sa matagumpay na paglahok sa General Santos City sa pagsabak sa ikatlong yugto ng Tournament of the Philippines nga­yon sa Trace College Gym sa Los Baños, Laguna.

Ang nakaumang na ika­lawang leg title ang magdaragdag motibasyon sa Ironmen na makikipagtuos sa napahingang Ascof Lagundi sa unang laro ganap na alas-4 ng hapon.

 Ang Laguna na gaya ng Cobra ay naglaro sa se­cond leg ay masusukat na­man sa Mandaue na mag­bubukas ng kampanya sa ligang pinagtutulungang i-organisa ng PBL at Liga Pilipinas.

Naipakita ng Ironmen ang tikas ng paglalaro nang bumangon buhat sa 24-puntos pagkakalubog tungo sa 92-85 overtime pa­nalo sa Misamis Oriental finals sa General Santos City .

 Sina Pari Llagas, Elmer Espiritu, Rudy Lingganay, JR Tecson at PJ Barua ang mamumuno sa tropa ni coach Lawrence Chongson para sa unang ta­gumpay kontra sa PBL team na magnanais namang bumangon matapos pumangalawa lamang sa ML Kwarta Padala Cebu sa first leg.  

vuukle comment

ANG LAGUNA

ASCOF LAGUNDI

ELMER ESPIRITU

GENERAL SANTOS CITY

KWARTA PADALA CEBU

LAWRENCE CHONGSON

LIGA PILIPINAS

LOS BA

MISAMIS ORIENTAL

RUDY LINGGANAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with