^

PSN Palaro

25ers, Spirits mag-uunahan sa 2nd outright semis berth

-

MANILA, Philippines - Matapos ang Fighting Maroons, pag-aagawan naman ng Spirits at 25ers ang ikalawa at huling outright semifinals ticket.

Nakatakdang magtagpo ang Cossack Blue at ang Excelroof ngayong ala-1:15 ng hapon ka­su­nod ang labanan ng Cobra Energy Drink at sibak nang Ani-FCA sa alas-3:15 elimination round ng 2010 PBL PG Flex-Era­­se Placenta Cup sa Emilio Agui­­naldo College gym sa Taft Avenue, Manila.

Kasalukuyang magkasalo sa ikalawang puwesto ang Spi­rits at 25ers mula sa magkatulad nilang 4-1 kartada sa ilalim ng Pha­rex B Complex Fighting Ma­­roons (5-1) kasunod ang Iron­­men (3-2), Ascof Lagundi Cough Busters (3-3) at mga talsik nang Fern-C Ferntastics (1-5) at Cultivators (0-5).

Nanggaling ang Excelroof mula sa isang 87-83 overtime win sa Fern-C noong Martes, ha­­bang nakalasap naman ang Cossack ng 66-96 kabiguan sa Pharex noong nakaraang Sa­­bado.

Sa naturang panalo sa Fern­­tastics, umiskor si Calvin Abueva ng 11 puntos na tinampukan ng kanyang mahalagang freethrows sa huling 17.1 segundo para sa 25ers.

“Siguro chance na namin ito to make it to the semifinal round since first conference pa lang namin ito sa PBL,” ani head coach Ato Agustin sa kanyang Excelroof.

Muling ipaparada ng 25ers sina Abueva, Jimbo Aquino, Ro­nald Pascual, Pamboy Raymundo at 6-foot-6 Ian Sanga­lang katapat sina James Mar­ti­nez, Jorel Canizares, Earn Sa­guindel at Rob Labagala ng Spirits.

Sa ikalawang laro, pilit namang bubuhayin ng Cobra ang kanilang tsansa para sa isa sa apat na semifinals berth sa pakikipagharap sa Ani-FCA. (RC)

vuukle comment

ASCOF LAGUNDI COUGH BUSTERS

ATO AGUSTIN

B COMPLEX FIGHTING MA

CALVIN ABUEVA

COSSACK BLUE

EARN SA

EMILIO AGUI

EXCELROOF

FERN-C FERNTASTICS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with