Arum ayaw nang makipagnegosasyon
MANILA, Philippines - Nagkaroon ng malaking lubak ang negosasyon para sa Manny Pacquiao-Floyd Mayweather megafight na napagkasunduan na sa Marso 13 matapos ang biglaang pagkansela ng kinatawan ni Mayweather na si Richard Schaefer, chief executive ng Golden Boy Promotions sa kanilang nakatakdang pag-survey sa Cowboy Stadium sa Dallas at pakiki-pagmeeting sana sa may-ari nitong si Jerry Jones.
Hindi ito nagustuhan ni Bob Arum ng Top Rank, ang promoter ni Pacman kaya ayaw na nitong magpartisipa sa negosasyon at dahil dito ipinasa na lamang niya ito sa iba.
Ang president ng Top Rank Inc., na si Todd Duboef, ang anak ng asawa ni Arum na ang kakatawan para kay Pacquiao para sa negosasyon.
Naka-schedule na ang pagbiyahe patungong Dallas ng Miyerkules ngunit, 11 oras bago umalis para sa nakatakdang pulong, nagkansela si Schaefer.Nangangahulugang ayaw ni Floyd Jr.,na lumaban sa 80,000-seater Cowboy stadium.
- Latest
- Trending