^

PSN Palaro

Tugade nagbida sa panalo ng SMBeer

-

MANILA, Philippines - Nakuha sa tiyaga. Ito ang nangyari kay Lordy Tugade.

Nagbunga ang lahat ng kanyang pagbababad sa praktis.

Siya ang naging susi sa 93-77 panalo ng San Miguel Beer kontra sa Rain Or Shine para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Matapos mabokya sa unang tatlong quarter kung saan 0-of-4 lamang si Tugade, humataw ito sa ikaapat na quarter kung saan kinamada nito ang 16 sa 35-puntos ng Beermen na sumulong sa 3-2 win-loss slate.

“Lordy is a typical player that has capability of exploding anytime of the game. He found a way to get his rhythm in,” ani San Miguel coach Siot Tanquingcen.

Nasiyahan naman si Tugade at nabigyan pa rin siya ng pagkakataong makabawi kahit na masama na ang kanyang ipinakita sa unang tatlong quarters.

“ Thankful ako na binigyan pa rin ako ng chance ni coach,” ani Tugade.

Ayon kay Tanquingcen, may dahilan kung bakit nagtiwala siya kay Tugade.

Malaking epekto sa Rain Or Shine na lumasap ng ikalimang sunod na talo sanhi ng kanilang pangungulelat, ang pagkawala ng kanilang coach na si Caloy Garcia na nagpapagaling matapos maaksidente sa Meralco Avenue nang pauwi na ito ngunit nagtamo lamang ng galos. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

CALOY GARCIA

LORDY TUGADE

MAE BALBUENA

MERALCO AVENUE

PHILIPPINE CUP

RAIN OR SHINE

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

SIOT TANQUINGCEN

TUGADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with