^

PSN Palaro

Eala vs parks sa HK open 1st round

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sisimulan ni Pinay tennis ace Alex Eala ang kampanya nito laban kay Alycia Parks ng Amerika sa paglarga ng Hong Kong Open sa Hong Kong.

Nakatakda ang laban nina Eala at Parks ngayong araw ngunit wala pang eksaktong oras ang naka­lagay sa official website ng naturang WTA 250 event.

Ito ang ikatlong pagkakataon na maghaharap sina Eala at Parks sa taong ito.

May 1-1 head-to-head ang dalawa.

Matatandaang si Parks ang nagpatalsik kay Eala sa first round ng Australian Open noong Enero sa iskor na 0-6, 6-2, 6-3.

Ngunit nakaresbak si Eala kay Parks sa National Bank Open sa Toronto, Canada noong Agosto nang maitarak ng Pinay bet ang 6-1, 4-6, 6-2 panalo sa Round of 64.

Kaya naman kabisado na ng dalawa ang kani-kanyang laro.

Hawak ni Eala ang No. 2 seed sa torneo.

Galing si Eala sa kampanya sa Tokyo Open sa Japan kung saan nakaabot lamang ito sa quarterfinals.

Yumuko si Eala kay world No. 13 Diana Shnai­der ng Russia sa pamamagitan ng 6-2, 6-7 (5), 4-6 desisyon upang tuluyang mamaalam sa kontensiyon.

Si Shnaider ang nagkampeon sa Tokyo Open matapos talunin si Filipino-Canadian Leylah Fernandez sa finals.

Naunang tinalo ni Eala sa Tokyo Open sina Mika Stojsavljevic sa opening round (6-1, 6-2) at Talia Gibson sa second round (4-6, 6-2, 6-0).

Ang Hong Kong Open ang pinakahuling torneong lalahukan ni Eala sa season na ito.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with