Reyes-Chao Face-Off Series 3 sasargo
() - October 28, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pag-iinitin muli ang pagiging magkaribal nina Efren “Bata”Reyes at Chao Fong Pang, magkukrus ang landas para sa “Face Off Series 3 – The Grandmasters” na sasargo ngayong araw sa Club Exclusive sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang sarguhan, na isang race-to-50 ball affair, ay nakatakdang magbigay ng panibagong milestone sa Philippine billiards sa pagsasa-ere nila sa pay-per-view sa pamamagitan ng www..clubcapo.tv.

Ang PPV price ay $19.99 para sa dalawang araw na event na tatakbo mula alas-6 hanggang alas-10 ng gabi (Manila time).

Ang naturang Face Off Series 3 ay handog ng Club Capo.

Bukod pa sa World Cup of Pool, dinomina rin ni Reyes ang Kadayawan leg ng Villar Cup at Galveston Classic One Pocket tournament sa Texas, dahilan upang lalong magningning ang kalibre nito at bumulsa ng kabuuang $10,000.

Sa kabilang banda, hindi rin matatawaran ang galing ng Asian legendary na si Chao nang maging two-time World 9-Ball champion.

Ang Reyes-Chao match ay bahagi lamang ng serye ng mga laban ng Club Capo.

Tampok rin sa mga susunod na laban ang tapatan ng dating double world champions Ronnie Alcano at Ralf Souquet ng Germany.

Tinitignan rin ang sagupaan sa pagitan nina Francisco “Django” Bustamante kontra American Rodney Morris at Lee Van Corteza kontra Shane van Boening sa Nobyembre. (Sarie Nerine Francisco)

AMERICAN RODNEY MORRIS ANG REYES-CHAO CHAO FONG PANG CLUB CAPO CLUB EXCLUSIVE FACE OFF SERIES GALVESTON CLASSIC ONE POCKET LEE VAN CORTEZA QUEZON CITY RALF SOUQUET
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with