^

PSN Palaro

JRU kumpiyansa pa rin na makakapasok sa finals

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Matapos matalo sa naka­raang championship series sa three-time champions San Beda College, kumpiyansa pa rin ang Jose Rizal Uni­ver­sity na muli silang makaka­pasok sa finals ng darating na Season 85th ng National Collegiate Athletic Asso­cia­tion (NCAA) men’s basketball tournament.

Ito ay sa kabila ng pag­ka­wala sa koponan nina po­wer forward Jay Nocum at big guard Maui Pradas bunga ng ka­nilang nagamit nang NCAA playing years.

“Malaking bagay din ‘yung dalawa kasi starters sila, but I’m confident na kaya pa rin na­ming makabalik ng finals this year,” wika kahapon ni head coach Ariel Vanguardia sa kanyang Heavy Bombers na tinalo ng Red Lions sa 20­08 NCAA Finals.

Sa tuluyan nang pagka­wala nina 6-foot-8 Nigerian Sam Ekwe at 6’3 Ogie Menor sa San Beda ngayong ta­on, umaasa naman si Van­guardia na pamumunuan ng na­kuha nilang 6’8 Cameroo­nian ang Jose Rizal.

“Our new player is athletic like Njei,” pagkukum­pa­ra ni Vanguardia kay Nchotu Njei.

Hangad ng Heavy Bom­bers na maibsan ang kani­lang pagkauhaw sa korona ma­karaan ang 36 taon.

Maliban sa San Beda, iti­nuring rin ni Vanguardia na mga title-contenders ang San Sebastian College, Le­tran at Mapua, hahawakan nga­yon ni Chito Victolero ma­tapos tanggapin ni Leo Isaac ang coaching job sa Barako Bull sa PBA.

“Even Saint Benilde can be a contender since they al­ready gained enough expe­rience and have already ad­justed to coach Gee Aba­nil­la’s system. So expect a lot of action this year,” ani Van­guardia.

Bilang preparasyon sa 20­09 NCAA, nakatakdang lumahok ang Heavy Bom­bers sa ilang pre-season tour­naments simula sa susu­nod na buwan, ayon kay Van­guardia.

At sa paglahok na ito ng tro­pa ni Vanguardia sa mga pre-season, ito ang mag­bi­bigay sa kanila ng motibas­yon para sa inaasam na pag-entra sa finals.

vuukle comment

BARAKO BULL

CHITO VICTOLERO

EVEN SAINT BENILDE

GEE ABA

HEAVY BOM

HEAVY BOMBERS

JAY NOCUM

SAN BEDA

SHY

VANGUARDIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with