7 Pinoy jins sasabak sa Turkey
Pito kataong taekwondo jins ang kakatawan sa Philippines’ Smart/Petron team sa 3rd World Taekwondo Poomsae Championships na nakatakda sa December 16-18 sa Ankara, Turkey.
Ito ay sina Brian Alan Sabadio, Jean Pierre Sabido, Anthony Ray Matias, Jonathan Rilloraza, Rani Ann Ortega, Francesca Camille Alarilla at Ma. Carla Janice Lagman.
Tatayong delegation head ng koponan si Igor Mella at siya ring head coach ng koponan sa torneong ito na inorganisa ng World Taekwondo Federation, ayon sa Philippine Taekwondo Association president na si Robert N. Aventajado.
Aabot sa mahigit 80 bansa, kabilang ang Korea, Taipei, Amerika, China, Germany, Turkey, France at Spain ang magpapakita ng aksiyon para sa karangalan.
Ang biyaheng ito ng RP team ay gagastusan ng Smart Communications, Petron, PLDT, Philippine Sports Commission at Adidas.
- Latest
- Trending