^

PSN Palaro

Batang Pier, naka-sweep

-

Muling inapakan ng Harbour Centre ang Hapee Toothpaste, 87-77 upang makumpleto ang sweep sa unang round ng 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Dahil nahihirapan ang kanilang starting unit, sumandal ang Batang Pier sa kanilang second stringers upang muling talunin ang Complete Protectors na pinasadsad din nila sa kanilang finals series noong June.

Inihatid nina Benedict Fernandez, Raffy Reyes at Boyet Bautista ang mahahalagang basket para makakawala ang six-peat seeking Harbour Centre tungo sa kanilang ikaanim na sunod na panalo para magningning sa tuktok ng team standings.

Ang Hapee na naghihintay pa rin sa pagdating ni Chris Tiu ay nagtapos na may 3-3 kartada.

Tumapos si Fernandez ng career-high 20 points sa kanyang 8-of-11 shooting sa 21 minutong paglalaro mula sa bench kabilang ang 11-puntos sa ikalawang quarter na nagdala sa mga Batang Pier sa 44-38 kalamangan.

Umiskor naman si Reyes ng University of the East ng anim sa kanyang eight points sa second half habang walo naman kay Bautista, lima sa ikaapat na quarter para sa isang malaking run na sumiguro ng panalo ng Harbour Centre.

Matapos magbanta ang Complete Protectors sa 56-55 patungo sa 2:22 minuto ng third quarter, kumawala ang mga Batang Pier sa 74-63 sa 5:36 minuto ng fourth quarter. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ANG HAPEE

BATANG PIER

BENEDICT FERNANDEZ

BOYET BAUTISTA

CHRIS TIU

COMPLETE PROTECTORS

FLEX LINOLEUM CUP

HARBOUR CENTRE

MAE BALBUENA

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with